Mga Patalastas at Paalaala Mayo 2021
Mga Patalastas at Paalaala
Mayo 2021
PARA SA KONGREGASYON
1. Mga Kaayusan sa Panonood ng Kombensiyon sa 2021: Nananabik na
tayong mapanood ang anim na sesyon ng programa ng 2021
“Pinapalakas ng Pananampalataya!” na Kombensiyon. Isa-isang ilalabas ang
anim na sesyon sa JW Broadcasting sa Hulyo at Agosto. Marami ang
sabay-sabay na manonood ng mga sesyon. Pero dahil sa kalagayan ng
pamilya o iba pang dahilan, baka panoorin ng ilang mamamahayag ang mga
sesyon ng kombensiyon sa sarili nilang oras. Ang bawat ulo ng pamilya ang
magpapasiya rito.
2. Pioneer Service School sa 2021: Bilang eksepsiyon, inaprobahan ang
Pioneer Service School sa 2021 na idaos sa pamamagitan ng
videoconference. Ipapaalám sa mga payunir na kuwalipikadong dumalo ang
tungkol sa kaayusan sa hinaharap.
3. Mga Donation Acknowledgment: Pinasasalamatan namin ang pagsisikap
ng maraming mamamahayag na naging sanay na sa paggamit ng mga
electronic method sa pagdodonate para suportahan ang kapakanan ng
Kaharian, gaya ng paggamit ng donate.jw.org. May ginawang pagbabago para
pasimplehin ang pag-acknowledge ng lahat ng donasyong natatanggap ng
tanggapang pansangay. Kapag natanggap ang donasyon ninyo, mag-e-email
sa inyo ng resibo para i-acknowledge ang halaga ng donasyon. Pagkatapos,
may ipadadalang hiwalay na liham ng pasasalamat bawat buwan sa tuwing
makatatanggap ang tanggapang pansangay ng donasyon mula sa inyo. Lahat
ng email message mula sa tanggapang pansangay ay galing sa email address
na nagtatapos sa “@jw.org.” Kung nahihirapan kayong gamitin ang
donate.jw.org, inatasan ng mga elder si _______________________ para
tulungan kayo.
4. Kung magpapadala ng donasyon sa tanggapang pansangay gamit ang
ibang paraan bukod sa donate.jw.org, ilakip ang inyong email address sa
donasyon ninyo para makatanggap kayo ng resibo at liham ng pasasalamat.
Salamat sa patuloy ninyong pagsuporta sa pamamagitan ng inyong
bukas-palad na mga donasyon.
5. Mga Tanggapang Sangay at Nasa Pantanging Buong-Panahong
Paglilingkod: Kamakailan, tinagubilinan ng Lupong Tagapamahala ang lahat
ng tanggapang pansangay at nasa pantanging buong-panahong paglilingkod
na patuloy na mag-ingat. Nangangahulugan ito na mananatiling
naka-lockdown ang mga pasilidad ng Bethel at ang mga nasa pantanging
buong-panahong paglilingkod ay patuloy na mananatili sa isang lugar
hanggang Agosto 1, 2021. Kung ipinahihintulot ng lokal na kalagayan,
maaaring luwagan ang ilang restriksiyon bago ang Agosto 1, 2021.
Pinasasalamatan namin ang sakripisyo ng mga nasa pantanging
buong-panahong paglilingkod at pamilya nila. Patuloy na isama ang mga
matapat na ito sa panalangin ninyo.
6. Pambuong-Daigdig na Kampanya sa Nobyembre 2021: Ang tampok na serye para sa Ang Bantayan Blg. 2 2021 ay “Isang Mas Magandang Mundo—Malapit Na!” Bagaman magiging available na ito para magamit sa ministeryo, itatampok ito sa pambuong-daigdig na kampanya sa Nobyembre 2021 para ituon ang pansin ng mga tao sa pag-asang nasa Bibliya tungkol sa isang mas magandang mundo na malapit nang dumating. Pasisiglahin ang mga mamamahayag na makapagbasa ng isang tekstong bumabanggit sa pag-asang ito sa mas maraming tao hangga’t maaari at makapagbigay ng kopya ng magasin sa lahat ng interesado. Ang mga mamamahayag na mag-o-auxillary pioneer sa Nobyembre 2021 ay may opsiyon na piliin ang 30-oras o 50-oras na kahilingan.
Comments
Post a Comment