Hunyo 1, 2021 Sulat tagalog
S:SN Hunyo 1, 2021
SA LAHAT NG KONGREGASYON
Paksa: Update sa Teokratikong mga Gawain Isang Taon Mula Nang Magsimula ang COVID-19 Pandemic
Mahal na mga Kapatid:
Kahit nalimitahan nang husto ang mga teokratikong gawain natin dahil sa COVID-19, masaya kaming ibalita sa inyo ang update tungkol sa mga nagawa sa teritoryo ng sangay natin mula nang magsimula ang pandemic:
• May bilang na 230,291 mamamahayag ang nagreport nitong Abril 2021; mas mataas ito nang 10.7 porsiyento kaysa noong Abril 2020 (207,964), ang unang buwan ng lockdown; ipinapakita rin nito na mahigit 22,000 apektadong mamamahayag ang nag-adjust para makagawa ng alternatibong paraan ng ministeryo
• Hanggang nitong Abril 2021, mahigit 167,000 pag-aaral sa Bibliya ang naireport; ito ang pinakamataas na bilang ng pag-aaral sa Bibliya mula nang magsimula ang 2021 Taon ng Paglilingkod
• Mula Abril 2020 hanggang Abril 2021, 7,910 ang nabautismuhan; ibig sabihin, mga 20 katao ang nababautismuhan bawat araw sa panahon ng pandemic!
• Nakapagtala tayo ng pinakamataas na bilang ng dumalo sa Memoryal ngayong taon—739,439. Mas mataas ito nang 31 porsiyento kaysa sa dumalo noong nakaraang taon at mahigit tatlong beses na mas marami kaysa sa kasalukuyang bilang ng mamamahayag
• Mula nang magsimula ang pandemic, ang average na dumadalo sa pulong sa dulong sanlinggo ay halos 150 porsiyento ng bilang ng mamamahayag
Ipinapakita ng mga ito na “ang lahat ng bagay ay posible sa Diyos.” (Mar. 10:27) Kahit na may mga restriksiyon dahil sa pandemic, walang makakahadlang kay Jehova para pagpalain ang bayan niya. Taos-puso namin kayong kinokomendahan dahil sa pagtitiis at katapatan ninyo. Dalangin namin na ‘bantayan kayo ni Jehova sa lahat ng ginagawa ninyo’ sa mahirap na panahong ito.—Awit 121:5-8.
Tanggapin ninyo ang aming mainit na pag-ibig Kristiyano at pangungumusta.
Ang inyong mga kapatid,
Comments
Post a Comment