Mga Patalastas at Paalala Hunyo 2021
Mga Patalastas at Paalaala Hunyo 2021 PARA SA KONGREGASYON 1. Binagong mga Atas ng Estudyante: Bilang paalala, itatampok ang brosyur na Masayang Buhay Magpakailanman sa mga atas ng estudyante sa bahaging pag-aaral sa Bibliya simula Hunyo 2021. Dahil hindi makikita sa Workbook sa Buhay at Ministeryo ang materyal na gagamitin sa mga atas na ito, tingnan ang listahan ng mga pagbabago na ibinigay ng mga elder. 2. Mga Taunang Item : Puwede nang i-download ang mga taunang item simula Oktubre 2021. Puwede nang mag-request ang mga mamamahayag na kailangan ng hard copy ng sumusunod: 2021 Watchtower and Awake! bound volume, Pagsusuri sa Kasulatan Arawaraw—2022, at Watch Tower Publications Index 2021. Puwede ring mag-request ng Examining the Scriptures Daily sa edisyong Braille. 3. Paglilingkod sa Bethel: Bagaman limitado lang ang bilang ng naaanyayahang maglingkod sa Bethel sa ngayon dahil sa pandemic, interesado pa rin kaming malaman kung sino ang available na maglingkod kapag puwede nang mag-a...