Mga Patalastas at Paalala Hunyo 2021

Mga Patalastas at Paalaala

Hunyo 2021



PARA SA KONGREGASYON

1. Binagong mga Atas ng Estudyante: Bilang paalala, itatampok ang brosyur na Masayang Buhay Magpakailanman sa mga atas ng estudyante sa bahaging pag-aaral sa Bibliya simula Hunyo 2021. Dahil hindi makikita sa Workbook sa Buhay at Ministeryo ang materyal na gagamitin sa mga atas na ito, tingnan ang listahan ng mga pagbabago na ibinigay ng mga elder.

2. Mga Taunang Item: Puwede nang i-download ang mga taunang item simula Oktubre 2021. Puwede nang mag-request ang mga mamamahayag na kailangan ng hard copy ng sumusunod: 2021 Watchtower and Awake! bound volume, Pagsusuri sa Kasulatan Arawaraw—2022, at Watch Tower Publications Index 2021. Puwede ring mag-request ng Examining the Scriptures Daily sa edisyong Braille.

3. Paglilingkod sa Bethel: Bagaman limitado lang ang bilang ng naaanyayahang maglingkod sa Bethel sa ngayon dahil sa pandemic, interesado pa rin kaming malaman kung sino ang available na maglingkod kapag puwede nang mag-anyaya ng mas maraming boluntaryo. Kaya ang mga bautisadong Kristiyano na 19 anyos pataas na gustong maglingkod sa Bethel o tumulong sa mga proyekto ng teokratikong pagtatayo nang part-time o full-time ay dapat makipag-usap sa kalihim ng kongregasyon para makatanggap ng mga tagubilin tungkol sa pagsusumite ng aplikasyon. Kung posible, dapat mag-aplay online ang mga mamamahayag na may access sa Internet. Dapat ding panoorin muna ng mga aplikante ang mga videong Gawing Tunguhin ang Maglingkod sa Bethel at Maging Tapat sa Lahat ng Bagay (Pag-aplay sa Bethel o Construction) bago magsumite ng aplikasyon sa mga elder.

4. Learn to Read Braille (Starter Kit): Natutuwa kaming sabihin sa inyo ang tungkol sa bagong publikasyon na Learn to Read Braille. Maaaring gamitin ang publikasyong ito para turuan ang mga bulag o may problema sa paningin na bumasa ng mga format na uncontracted (grade 1) at contracted (grade 2). Dahil may naka-print na katumbas na letra sa itaas ng mga Braille character sa workbook na ito, matutulungan ng isang mamamahayag na nakakakita ang isang bulag na matutong bumasa ng Braille. Karaniwan na, hindi kailangang marunong sa Braille para makapangaral sa mga bulag.

5. Bagaman ang workbook na ito ay para sa mga Bible study na bulag o may problema sa paningin, maaari din itong gamitin para tulungan ang mga bulag sa kongregasyon na matutong bumasa ng Braille. Puwede nang magpadala ng mga request para sa starter kit na kasama ang bagong publikasyong ito at Listen to God and Live Forever sa Braille, yamang gagamitin ang brosyur na ito sa pagpapraktis bumasa ng Braille.

6. Pagpo-post sa mga Website at Social Media: Bagaman puwede tayong mag-share ng materyal mula sa mga website ng organisasyon sa pamamagitan ng pagpapadala ng link, hindi tayo dapat mag-post sa Internet ng anumang artwork, elektronikong publikasyon, trademark, musika, larawan, video, o artikulo mula sa mga website natin. Kasama rito ang mga teokratikong programa sa jw.org o JW Stream gaya ng Broadcasting, pulong, pansirkitong asamblea, at kombensiyon. Kung nag-post kayo ng mga nabanggit sa anumang website o social media nang walang permiso, pakisuyong alisin ito. Higit pang impormasyon tungkol dito ang makikita sa Abril 2018 na isyu ng Bantayan, pahina 30-31, at sa jw.org sa ilalim ng “Kasunduan sa Paggamit.”

Comments

Popular posts from this blog

Mga Pahibalo ug Pahinumdom Hunyo 2021

Mga Patalastas at Paalaala Mayo 2021